"Your One Stop Online Errand Solution Center in The Philippines"

Blog ni Maria
Blog ni Maria
Blog ni Maria
RECESSION... APEKTADO KA BA PINOY OFW?
|
Sa lahat ng business magazines eh walang tigil ang pag uusap tungkol sa recession...sa financial crisis at sa kung anu ano pa mang paghihirap ng ekonomya. Hindi lang dito sa Pilipinas... kundi mas matindi pa sa ibang bansa.
Nag declare ng recession ang US, sinundan kahapon ng Japan at pati Singapore. Ano ang ibig sabihin nito. Sa mga economist ang tendency daw nito ay ang tinatawag na domino effect. Since pinakamayayamang bansa ang affected na... pati daw tayo o mga dependent countries sa kanila ay affected na rin - automatic daw? Mukhang tama nga sila kasi kung ang malaking company sa US na nag-eemploy ng 10,000 na workers at marami dito ay pinoy OFW...tapos magsasara o magbabawas ng production dahil humina ang demand due sa recession ay posibleng magbawas ng tao. At yun na nga.... affected ang pinoy OFW's.
Sa ganitong mga usapin anu ano ba ang basis sa pag lay off ng mga tao? Sa pagbabawas laging nasa isipan ng bawat company eh ang effectiveness ng mga empleyado. Meaning, aasahan nating gagamitin nila ang BELL CURVE MEASURE OF PERFORMANCE at kung sino man ang pumasok sa non-performing curve ay sor sure una sa listahan ng mga matatanggal. Efficiency at productivity ang labanan tuwing may recession. So ano ang tip natin sa ating kawpa empleyado?Magpaka seryoso tayo sa trabaho. Tulungan nating ang ating mga kumpanya para mag cost savings dahil ito ngayon ang pinaka unang gagawin nila... ang kontrolin ang controllable expenses. Ibabalanse nila ang expense sa pumapasok na income.Aside dun, ipakita natin ang sense of ownership...pagpapahalaga sa bawat minuto ng ibinabayad sa atin. Pahalagahan natin ang trabaho na ibinigay sa atin dahil ito ay isang opportunity na minsan minsan lang nangyayari. Napakahirap mawalan ng tranaho at pang huli eh ibigay natin ang ating puso at isip sa ating mga trabaho para maging lubos tayong fair sa ating mga sarili at sa ating companies.
Ang recession daw ay tatagal pa hanggang 2009. Ngayon palang ay naghahanda na ang lahat lalo na ang mga employers, ang mga businessman. Tayong mge empleyado ay dapat kumilos na rin....you need to strengthen your worthiness or else...baka bukas o makalawa wala la ng trabaho dahil nadamay ka sa recession na ina-nnounce ng company mo so kaibigan.... umpisahan na ang pag-iisip kung ano ang magandang gawin para hindi ka mabulaga sa mas matinding crisis ngayong 2009.
Ikaw kaibigan... mga pinoy ofw's may opinyon po ba kayong mas maganda.. please share and let's help other pinoy ofw's to survive the on-going and worst financial crisis that might be along our way.... share na!
Categories: None
Post a Comment
Oops!
The words you entered did not match the given text. Please try again.
1145 Comments


Oops!
Oops, you forgot something.